PH
049-554 6451
[email protected]
HOMEABOUTCONTACT USNEWS AND ANNOUNCEMENTS
TESTIMONIAL
Copyright © Pila, Laguna
All Rights Reserved
Terms and ConditionsPrivacy PolicyContact
Follow Us
Developed by:
PH
049-554 6451
[email protected]
HOMEABOUTCONTACT USNEWS AND ANNOUNCEMENTS
TESTIMONIAL
Loading...
Loading...
Loading...
News and Annnouncements
Manatiling updated sa mga pinakabagong balita, anunsyo, programa, at mahahalagang impormasyon mula sa Pamahalaang Bayan ng Pila—para sa isang mas maalam, ligtas, at nagkakaisang komunidad.
LIBRENG FBS SCREENING PARA SA DIABETIC PATIENTS | OCTOBER 1, 2026
Inaanyayahan ang lahat ng diabetic patients sa bayan ng Pila na makilahok sa Free FBS (Fasting Blood Sugar) Screening na gaganapin sa: October 1, 2026 | 7:00am - Onwards Rural Health Unit – Pila, Laguna PAALALA: Kinakailangan ang 8–10 oras na fasting bago sumailalim sa screening upang makuha ang tamang resulta. Alagaan ang kalusugan at maging responsable sa sarili. Sama-sama nating bantayan ang ating kalagayan para sa mas malusog na pamayanan ng Pila.
𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗦, 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 | September 22, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng kaligtasan sa ating mga paaralan, inilabas ni Mayor Queen ang Executive Order No. 46, Series of 2026, na humihikayat sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pila na gamitin ang transparent bags bilang karagdagang security at preventive measure. Ang hakbang na ito ay bunga ng isinagawang emergency meeting ng Lokal na Pamahalaan kasama ang mga school heads, bilang agarang pagtugon sa mga naiulat na banta sa seguridad. Layunin nitong mapabilis ang visual inspection ng mga gamit ng mga mag-aaral habang pinananatiling maayos at episyente ang pagpasok sa paaralan. Kasabay nito, hinihikayat din ang mga paaralan na higit pang paigtingin ang visitor screening at isaalang-alang ang paggamit ng QR code system upang masiguro ang ligtas at maayos na pagpasok ng bawat bisita sa campus. Ang paggamit ng transparent bags ay hinihikayat lamang bilang karagdagang hakbang sa seguridad. Kinikilala rin ng Pamahalaang Bayan ang maaaring dagdag na gastusin para sa ilang pamilya kaya’t bukas ang panawagan sa mga indibidwal at organisasyong nais magbahagi o mag-donate ng transparent bags para sa ating mga estudyante. Pangalawa, inilabas ni Mayor Alarva ang isang Executive Order QMA No. 47 na humihikayat sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pila na panatilihin ang mga mag-aaral sa loob ng school premises tuwing lunch break bilang karagdagang safety and security measure. Nabatid ng Lokal na Pamahalaan ang mga hamong kinakaharap ng ating mga paaralan sa masusing pag-check ng mga gamit at sa pagbabantay sa paglabas at pagpasok ng mga estudyante. Dahil dito, isa ito sa mga konkretong hakbang na isinulong upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga guro, mag-aaral, at buong komunidad ng paaralan. Ang kaligtasan ng ating kabataan ay nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Pila. Sa sama-samang pagtutulungan ng mga paaralan, mga magulang, at ng komunidad, masisiguro natin ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto. Serbisyong may Puso at Malasakit | ONE PILA
Job Hiring to Work Abroad | September 10, 2026
Pila, Laguna, Tara Na! Your Work Abroad Journey Starts Here! Mga Pilenyo, ito na ang pagkakataon ninyong makapagtrabaho sa ibang bansa! Katuwang Pamahalaang Bayan, PESO-Pila at Golden Legacy Jobmovers Corp. Makilahok sa Special Recruitment Activity at mag-apply para sa iba't ibang overseas job opportunities. - Setyembre 10, 2026 (Huwebes) - 8:00 AM – 4:00 PM - Pila Gymnasium, Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna Mga Trabahong Available: • Domestic Helper • Nanny • Lady Driver • 100+ Trailer Truck Drivers • Cleaner • At marami pang iba! 🇬🇷 Manpower Pooling for Greece (500+ Hospitality Workers bound for Greece) Housekeeper • Laundry • Cook • Kitchen Helper • Waiter/Bartender • Receptionist • Massage Therapist • Valet/Bellboy • Pool Cleaner/Gardener Opportunities available for different countries abroad! Hong Kong • Japan • Malaysia • Saudi Arabia • Qatar • Kuwait • UAE • Bahrain • Greece • Poland • Czech Republic • Belgium • Hungary • Bulgaria • Lithuania • Mongolia Dalhin ang mga Kailangan • Updated Resume • Valid ID • Ballpen Casual attire lamang. Bawal ang tsinelas, sleeveless, shorts, at ripped jeans. Walk-in applicants are welcome! Priority lang po natin ang taga-Pila. Apply, magpa-screen, at ma-evaluate agad sa araw ng recruitment. Serbisyong may Puso para sa bawat Pilenyo.
26th Philippine Civil Service Anniversary | September 4, 2026
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Pila sa pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary at Civil Service Month bilang pagkilala sa dedikasyon, integridad, at husay ng bawat lingkod-bayan na patuloy na nagsisilbi para sa kapakanan ng mamamayan. Nawa’y maging inspirasyon ang temang “Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan” upang higit pang paigtingin ang tapat, mahusay, at makataong paglilingkod sa bawat Pileño. Sama-sama nating isulong ang isang pamahalaang may malasakit, may dangal, at may tunay na serbisyong nagmumula sa puso. Maligayang Civil Service Month!
KAUNA-UNAHANG PILA YOUTH SUMMIT 2026! | August 29, 2026
KAUNA-UNAHANG PILA YOUTH SUMMIT 2026! Isang makasaysayang araw para sa Bayan ng Pila ang matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang Youth Summit 2026 bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. Sa temang “Empowering Today’s Youth, Inspiring Tomorrow’s Leaders,” naging layunin ng programa na hubugin ang kaalaman, kakayahan, at karakter ng ating mga kabataang Pilenyo upang maging mga responsableng future leaders ng ating komunidad. Mas naging makabuluhan ang bawat sesyon sa pamamagitan ng ating mga Keynote Speakers at Pilenyo Icons, na nagbahagi ng kanilang mga kwento, inspirasyon, at mahahalagang aral tungkol sa tunay na katangian ng isang mabuting lider—pamumunong may integridad, malasakit, at pananagutan. Higit sa lahat, naging bukas ang talakayan kung saan malayang naipahayag ng mga kabataan ang kanilang mga tanong at pananaw tungkol sa iba’t ibang aspeto ng lipunan—mula sa mga hamon sa paaralan hanggang sa kanilang mahalagang papel at pakikilahok sa pag-unlad ng ating bayan. Maraming salamat sa bawat kabataang nakiisa. Ang inyong tinig ang nagpapatunay na ang kinabukasan ng Pila ay nasa mabubuting kamay. Kabataang Pilenyo, kayo ang inspirasyon ng ngayon at ang mga lider ng bukas!
View
Plaque of Recognition | Philippine Red Cross – Laguna Chapter | August 27, 2026
Isang karangalang matanggap ang Plaque of Recognition bilang pagkilala sa mahalagang suporta at kontribusyon ng Pamahalaang Bayan ng Pila sa matagumpay na pag-oorganisa ng Blood Letting Activity, katuwang ang Philippine Red Cross – Laguna Chapter. ❤️ Kasabay ring pinarangalan ang mga guro mula sa iba't ibang paaralan sa ating bayan na naging kabahagi ng makataong misyong ito. Patunay ito na ang bawat patak ng dugo ay sumasalamin sa malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal ng mga taga-Pila sa kanilang kapwa. Dugo mong alay, buhay ang tagumpay.
JOB FAIR | August 27, 2026
MASS HIRING ALERT | Mang Inasal Pila
View
SIKAT-TUBIG: Liwanag at Buhay para sa Ating mga Magsasaka | August 14, 2026
Isang makabuluhang araw para sa ating mga magsasaka! 🌾💧 Matagumpay na isinagawa ang Blessing and Turn Over Ceremony ng SIKAT-TUBIG Project, isang magandang proyekto na bunga ng pagtutulungan ng LSPU College of Engineering, Brgy. San Miguel Farmers Association, at Pamahalaang Bayan ng Pila. Taos-puso ang aming pasasalamat sa LSPU College of Engineering sa napakagandang proyektong ito na magbibigay ng malaking tulong sa ating mga magsasaka, lalo na sa pagpapaunlad at pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan. ☀️🌱 Asahan ninyong ang proyektong ito ay aming pahahalagahan, pangangalagaan, at gagamitin nang wasto upang patuloy itong magsilbi sa ating mga magsasaka at sa susunod pang mga henerasyon. Sama-sama sa makabagong agrikultura, sama-sama sa pag-unlad ng Pila!
View
ROAD SAFETY SEMINAR | PARA SA MAS LIGTAS NA BAWAT KALSADA | August 8, 2026
Agad na kumilos ang Pamahalaang Bayan ng Pila upang makagawa ng konkretong hakbang at maiwasang maulit ang isang malungkot na aksidenteng kumitil sa buhay ng isang mag-aaral mula sa Don Manuel. Sa pangunguna ni Mayora Queen, isinagawa ang Road Safety Seminar para sa ating mga Barangay Tanod at Bantay Bayan, upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman at kahandaan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa ating mga kalsada. Naging bahagi ng seminar ang mga kinatawan mula sa Highway Patrol Group (HPG) na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at tamang pamamaraan tungkol sa road safety, traffic awareness, at responsableng pagmamando sa kalsada. Layunin natin na ang bawat Tanod at Bantay Bayan ay maging mas handa at mas maalam sa pagtugon sa mga sitwasyon sa bawat kalsada ng bawat barangay sa ating bayan. Ang kaligtasan ng bawat Pilenyo ay responsibilidad nating lahat. Patuloy tayong kikilos, makikinig, at gagawa ng mga hakbang upang maging mas ligtas ang bawat daan para sa ating mga motorista, pedestrian, at higit sa lahat, sa ating mga kabataan. 💛 Serbisyong may Puso. Kaligtasan ng Pilenyo, Pangunahing Pananagutan.
View
ANNOUNCEMENT | LIBRENG FBS SCREENING PARA SA DIABETIC PATIENT | August 6, 2026
Inaanyayahan ang lahat ng diabetic patients sa bayan ng Pila na makilahok sa Free FBS (Fasting Blood Sugar) Screening na gaganapin sa: 🗓 Hulyo 6, 2026 | 7:00am - Onwards 📍 Rural Health Unit – Pila, Laguna 🔔 PAALALA: Kinakailangan ang 8–10 oras na fasting bago sumailalim sa screening upang makuha ang tamang resulta. Alagaan ang kalusugan at maging responsable sa sarili. Sama-sama nating bantayan ang ating kalagayan para sa mas malusog na pamayanan ng Pila.
MALIGAYANG 451st PILA FOUNDATION DAY! | July 29, 2026
Isang makasaysayang pagdiriwang ng ating mayamang pamana, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang isang bayang patuloy na umuunlad at nagkakaisa. Ngayong Hulyo 29, 2026, sama-sama nating ipinagdiriwang ang 451 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Pila—isang paglalakbay na hinubog ng ating mga ninuno at patuloy na isinusulat ng bawat Pilaeno. Sa temang “Isang Pamana, Isang Bayan, Isang Pusong Nagkakaisa,” ating patunayan na sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling matatag ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan. Mula sa ating kasaysayan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan—iisa ang ating pamana, iisa ang ating bayan, at iisa ang ating pusong nagkakaisa. 💛 Mabuhay ang Bayan ng Pila! Mabuhay ang bawat Pilenyo! Maligayang ika-451st Pila Foundation Day!
News and Annnouncements
LGSF BATCH 2
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua.
Card Item 1
Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat.
Card Item 2
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua.
Card Item 3
Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur.
Card Item 4
Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.
Copyright © Pila, Laguna
All Rights Reserved
Terms and ConditionsPrivacy PolicyContact
Follow Us
Developed by: